“Whenever I see boys and girls selling lanterns on the street...”
Nagsimula nang umusbong sa telebisyon at radyo ang mga kantang pang-pasko. Lumalamig na ang simoy ng hangin; ang samyo ng bagong-lutong bibingka at puto-bumbong ay kasama rin. Mga boses ng mga bata at ang kalansing ng tansan sa aking pintuan ay naririnig ko na.
Huling araw na rin ng simbang-gabi, makakapag-wish na ako na sana-
“Jago! Hello! Gising ka pa ba? Kailangan nating tapusin to ngayong gabi!”
“Ah!” gulat na sigaw ni Jago sa kanyang upuan. “Oo, nandito pa ako!”
At nagsimula na nga ulit siyang gumawang kanilang groupingsat may biglang kumatok sa kanilang pinto.
“Saglit lang.” pero di pa rin tumigil ang pagkatok. Palakas ito ng palakas. Sa wakas, naabot na ni Jago ang pinto, at kaniya ‘tong binuksan. Hindi niya inakala ang taong nasa harapan niya.
“I remember the Child. In the manger, as he sleeps...”
“Jose Marie Chan?!”
댓글